De-kalidad na trabaho mas dumami kahit bumaba ang bilang ng mga may trabaho, ayon sa DOLE
Bagaman maliit ang bilang ng mga may trabaho noong Enero, mas dumami naman ang mga de-kalidad na trabaho sa bansa ayon sa Department of Labor and Employment.
Ang paglilinaw ay ginawa ng DOLE matapos ilabas ng Philippine Statistics Authority ang report nito na tumaas ang unemployment rate o bilang ng walang trabaho sa bansa sa 6.6 % kumpara sa nakaraang taon.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mas maraming secured na trabaho na mayroong stable na kita ang nalikha sa bansa nitong Enero 2017 sa kabila ng pagbaba ng employment rate.
Ayon pa sa kalihim, bumaba naman ang underemployment rate sa 16.3 percent mula sa 19.6 percent noong 2016.
Ulat ni: Moira Encina
Please follow and like us: