Death toll sa nasunog na passenger vessel sa Basilan umabot na sa 28 : nasagip nasa 230

Umabot na sa 28 ang nasawi habang 230 ang nasagip sa nasunog na passenger vessel sa Basilan.

Sa impormasyon mula kay Commodore Rejard Marfe, District Commander ng PCG sa BARMM, galing sa Zamboanga ang barko at patungo sana sa Sulu ng masunog ang M/V Mary Joy-3 sa Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad sa Basilan.

Kwento aniya ng kapitan ng barko, isinadsad ito malapit sa pampang para siguradong makakaligtas ang mga pasahero.

Batay aniya sa salaysay ng mga nakaligtas na pasahero, marami ang nagpanic at nagtalunan na sa dagat kahit walang life jacket.

Ang 10 sa nasawi nakita sa dagat at posibleng nalunod umano habang ang 18 naman ay sa loob ng barko natagpuan.

Patuloy naman ang search and rescue operation sa iba pang sakay ng barko pero aminado ang opisyal na may ilang challenges rin lalo at dagil sa sunog ay malaki ang pinsala sa barko.

Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *