DENR Sec. Gina Lopez namimilgrong ma-bypass ng CA

May posibilidad na ma-bypass ang nominasyon ni DENR Secretary Gina Lopez sa Commission on Appointments.

Ayon kay Senador Manny Pacquiao, chairman ng CA Senate Committee on Environment, hindi  makakasipot si Lopez sa plenary deliberations ng CA  sa susunod na linggo dahil aalis ito ng bansa.

Pinagsabihan na  ito ng komite na ipagpaliban muna ang pag alis ng Pilipinas pero may nauna na itong commitment.

Kinumpirma ni Pacquiao na pagdedesisyunan nila ang kapalaran ni Lopez sa ipinatawag na caucus sa Martes, March 14.

Kung hindi makakabuo ng desisyon ang CA, maikukunsidera nang bypass ang kumpirmasyon ni Lopez dahil magbabakasyon na ang kongreso at sa Miyerkules na ang kanilang huling sesyon.

Nauna nang nagsagawa ng halos pitong oras na pagdinig ang CA kahapon para mapakingan ang dalawamput tatlong ibat ibang grupo na humaharang sa kumpirmasyon ni Lopez.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us: