Dept. of Energy nagpatupad ng price freeze sa LPG at kerosene sa buong Cavite Province

Ipinag-utos ng Department of Energy ang pagpapatupad ng price freeze sa LPG at kerosene sa buong Cavite Province. 


Ito ay matapos na magdeklara ng state of calamity ang lalawigan dahil sa pananalasa ng bagyong rolly. 


Sa abiso ng DOE, tatagal ang price freeze ng labinglimang araw, o mula Nov. 1 hanggang 15. 


Samantala’y ipatupad na din sa lalawigan ang oil price rollback habang umiiral ang price freeze sa LPG at kerosene. 

Gusaling Pamahalaang panlalawigan ng Cavite na nasa Trece Martires City


Sinabi pa ng DOE na hindi rin maaaring magpatupad ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis na nasa Cavite sa loob ng labing limang araw.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: