Dexter Carlos pasok na sa WPP – Aguirre

Nasa ilalim na ng Witness Protection Program ang ama ng pamilyang pinaslang sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, pasok na sa provisional coverage ng WPP ang naulilang ama at security guard na si Dexter Carlos.

Kailangan aniyang matiyak ang kaligtasan at seguridad ni Dexter Carlos habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pag-masaker sa kanyang asawa, byenan at tatlong anak.

Pero bago mabigyan si Carlos ng aktwal na proteksyon, seguridad at benepisyo sa ilalim ng WPP, dapat muna siyang lumagda sa isang Memorandum of Agreement.

Ang mga nasa ilalim ng WPP ay maari ding mabigyan ng livelihood o kabuhayan at pinansyal na tulong.

Una nang makipagpulong si Carlos kay Aguirre at sa namumuno ng WPP na si Nerissa Carpio.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *