Dexter Carlos, posibleng isailalim sa Witness Protection Program ng DOJ

Pinag-aaralan na ng Department of Justice na ilagay sa  Witness Protection Program si Dexter Carlos, ang ama na naulila sa masaker sa San Jose Del Monte Bulacan.

Si Dexter kasama ang abogado mula sa Public Attorneys Office at mga miyembro ng VACC ay nagtungo sa tanggapan ni WPP Director Nerissa Carpio para magpasaklolo.

Sinabi naman ni Justice Secretary Vitallano Aguirre II, pag-aaralan nila na ilagay sa Witness Protection Program si Carlos kung nararamdaman niya na mapanganib ang kanyang seguridad.

Sakaling makapasa ay mamadaliin ng DOJ ang proseso para siya ay makapasok sa nasabing programa.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *