Dinner meeting nina Pang. Duterte at VP Robredo, tuloy na

Tuloy na tuloy na ang dinner nina Vice President Leni Robredo at Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo, pagkatapos ng Semana Santa ng mga katoliko ang dinner nila ng punong ehikutibo.

Tumanggi naman si Robredo na sabihin kung kailan ang eksaktong araw at kung saan gaganapin ang dinner nila ni Pangulong Duterte.

Nauna nang sinabi ng bise presidente na kasama niya ang kanyang tatlong anak sa dinner nila ni Pangulong Duterte at pamilya nito.

Magugunitang inanyayahan ni Pangulong Duterte si Robredo sa isang dinner noon pang Marso sa gitna ng impeachment threats na kanilang kinakaharap.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.