District hospital ng Concepcion, Tarlac pinasinayaan na

Pinasinayaan na ang Concepcion District Hospital, na nagkakahalaga ng higit sa P150 million pesos, dahil na rin sa pagpupunyagi ng Tarlac Provincial Government sa pangunguna nina Tarlac Governor Susan Yap, at Vice Gov. Atty. Carlito Santos David, na mga pangunahing dumalo sa pagtitipon.

Pinangunahan naman ni Tarlac 2nd District Congressman Victor Yap ang ribbon cutting, matapos mag-alay ng panalangin ni Concepcion Mayor Andy David Lacson.

Ang inagurasyon ng ospital ay dinaluhan din nina 3rd District Cong. Noel Villanueva, ABC Pres. Bong Rivera, Dr. Corazon Flores, OIC Director 4 ng Central Luzon Center for Health Development, Dr. Theresa Sablan, Acting Chief of Hospital ng Concepcion District Hospital, at iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Sa kaniyang mensahe, ay ipinahayag ni Mayor Andy Lacson na maglalaan ng pondo ang LGU Concepcion, para magamit sa iba pang mga pangangailangan ng nasabing ospital.

Ulat ni Aser Bulanadi

Please follow and like us: