Diving ban sa Mabini Batangas, inalis na

Maari na muling mag-dive sa mga kilalang diving spots sa Mabini, Batangas.

Ito ang kinumpirma ni Mabini Batangas Mayor Noel Luistro.

Ayon kay Luistro, inaalis na ang diving ban ilang araw matapos na yanigin ang kanilang lugar ng malalakas na lindol noong nakaraang linggo.

Maging ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na si Commander Armand Balilo ay nagsabi na tuloy na muli ang diving activities sa mga diving spots sa Mabini, Batangas batay na rin sa assessment ni Mayor Luistro.

Ayon kay Balilo, Abril 9 nang inanunsyo ang diving ban.

Please follow and like us: