Diwa ng EDSA People Power, nananatiling buhay– Robredo

Nakikiisa si presidential candidate at Vice- President Leni Robredo sa paggunita ng bansa sa ika-36 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Robredo, buhay pa rin ang diwa ng EDSA People Power hanggang ngayon.

Makikita aniya ito sa pagtulong ng mga Pilipino sa kanilang kapwa na nangangailangan at mga sinalanta ng mga kalamidad.

Sinabi pa ni Robredo na higit pa sa pangalan o apelyido ang diwa ng EDSA.

Aniya kuwento ito ng pagkakaisa at pagtindig ng buong bansa para sa kalayaan.

Si Robredo ay dumalo sa ilang campaign rallies sa Iloilo nitong Biyernes.

Tiwala si Robredo na muli niyang makukuha ang suporta ng mga Ilonggo para sa halalan sa Mayo gaya noong 2016 elections.

Moira Encina

Please follow and like us: