DOH: Covid-19 cases ngayong araw: 194,252…new cases-4,686

Halos nasa 5,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng  COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) , umabot na sa 194,252 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 59,200 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,686 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

91.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.1% ang asymptomatic; 1.0% ang severe habang 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ang mga datos sa 95 MULA SA 109 licensed laboratories.

Nasa 13 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 3,010 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 729 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 132,042 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: