DOH: Kaso ng Covid-19 ngayong araw, naitala sa 9,475; Aktibong kaso umakyat na sa 105,568

Nakapagtala ng 9,475 panibagong mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa nasabing bilang, nasa 105,568 o 14.6% ang aktibong kaso.

Nasa 83.6% o 603,154 naman ang mga nakarekober at 13,170 o 1.82% ang mga namatay.

Samantala, mayroong naitalang bagong mga gumaling sa sakit na nasa 22,000 at 11 naman ang naragdag sa death toll.

Please follow and like us: