DOH kinumpirma na 3 na ang nasawi sa Delta variant

Kinumpirma ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na 3 indibiwal na nagpositibo sa Delta variant ng COVID-19 ang nasawi na.

Ayon kay Vergeire, ang isa dito ay isang 63-anyos na Pinoy seafarer mula sa MV Athens Bridge na matatandaang nag- emergency evacuation ng kanilang mga crew na nagpositibo sa virus at nangangailangang madala sa ospital.

Habang ang 2 naman ay mga local case ng Delta variant.

Ang isa rito ay isang 58-anyos na babae taga-Pandacan, Maynila.

Ang nasabing pasyente ay nasawi noong Mayo 30.

Ang isa naman ay isang 78-anyos na babae na taga Baybay, Antique at nasawi noong Mayo 30.

Ayon sa DOH sa kabuuan umaabot na sa 35 ang naitalang Delta variant case sa bansa.

Ang 3 rito ay nasawi habang nakarekober na ang iba.

Madz Moratillo

Please follow and like us: