DOH may paalala sa mga dadalo sa inagurasyon ni PBBM

Mahigpit ang paalala ni outgoing Health Sec. Francisco Duque III sa mga dadalo sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr. na tiyaking susunod sa minimum public health standards bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon kay Duque, dapat magsuot ng face mask at sumunod sa iba pang health protocols na ipatutupad sa inagurasyon.

Ayon kay Duque, marami nang super-spreader events ang dumaan sa bansa pero hindi naman ito nag-reflect sa numero ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Umaasa ang kalihim na patunay lang ito na alam na rin ng ating mga kababayan ang dapat gawin para makaiwas sa virus.

Inaasahang bukas, sa inagurasyon ni PBBM ay maraming kababayan natin ang dadagsa para personal na masaksihan ang panunumpa nito.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: