DOH muling nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 cases noong nakaraang linggo

Nakapagtala ng 15,314 kabuuang kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng Department of Health, mula October 10 hanggang 16, nasa 2,188 ang average na kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Mas mataas ito ng 7 porsyento kaysa naitala mula October 3 hanggang 9.

May 4 na bagong kaso naman ng severe at kritikal habang may 251 nadagdag sa nasawi.

Pero sa 251 deaths na ito, 33 lang ang nasawi ngayong October, 8 noong September, 2 noong August, at 1 noong February ng 2022, 194 ay noon pang August at 12 noong July ng 2021 at 1 noong August ng 2020.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.