DOH muling nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng Covid-19 sa bansa

Nakapagtala ng 22,415 bagong kaso ng COVID 19 ang Department of Health ngayong araw.

Ito na ang pinakamataas na daily tally ng Covid cases na inulat ng DOH.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,103,331 ang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 159,633 ang aktibong kaso.

May 20,109 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 1,909,361 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid 19 dito sa bansa.

May 103 namang naiulat na nasawi, kaya nasa 34,337 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: