DOH, nakapagtala ng 12,576 bagong Covid-19 cases ngayong araw; Kabuuang kaso nasa 784,043 na

Nakapagtala ang Department of Health ng 12,576 na bagong kaso ng Covid- 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 784,043 ang kabuuang bilang ng Covid -19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 165,715 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 599 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 604,905 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 103 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 13,423 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: