DOH nakapagtala ng 16,361 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umabot na sa 171,142 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 16,361 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 21,974 ang naitalang bagong gumaling.

May 140 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 37,074 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,401,916 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,193,700 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: