DOH nakapagtala ng 1,712 na bagong kaso ng COVID-19

May 1,712 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Dahil rito, ayon sa DOH, umabot na sa 3, 652,203 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon, nasa 60,532.

May 3,652 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3, 535,987 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19..

77 naman ang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 55,684 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa covid 19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 18, at 3 laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: