DOH, nakapagtala ng 21,411 bagong kaso ng Covid-19; Higit 25,000 bagong gumaling, naitala rin

Nakapagtala ang Department of Health ng 21,411 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, pumapalo na sa 2,227,367 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa na may 181,951 active cases.

Samantala, nakapagtala rin ng bagong 25,049 na nakarekober sa Covid-19 kaya umakyat na sa 2,010,271.

Habang nakapagtala naman ng bagong 168 na namatay kaya umakyat sa 35,145 ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Please follow and like us: