DOH nakapagtala ng 425 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 425 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Ito na ang pinakamababang daily new cases ng COVID-19 na iniulat ng DOH.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,832,734 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 15,800 ang aktibong kaso.

May 909 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,768,389 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 44 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 48,545 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: