DOH nakapagtala ng 500 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 500 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Dahil dito umabot na sa 2,833,038 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 15,327 ang kabuuang aktibong kaso.

May 951 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,768,999 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 167 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 48,712 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: