DOH nakapagtala ng 9,216 bagong mga kaso ng Covid-19; Kabuuang kaso nasa 828,366 na

Nakapagtala ang Department of Health ng 9,216 na bagong ng kaso ng Covid 19 ngayong araw.

Dahil rito, umakyat na sa 828,366 ang kabuuang kaso ng Covid-19 infection sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 167,279 ang aktibong kaso.

May 598 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 646,968 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa Covid 19.

May 60 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 14 119 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Covid 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: