DOH nakapagtala ng karagdagang 12,225 Covid-19 cases ngayong araw

Muli na namang nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagtaas sa bagong kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ngayong araw, nakapagtala ang DOH ng 12,225 bagong ng kaso ng Covid 19.

Dahil rito, umakyat na sa 840,554 ang kabuuang kaso ng Covid-19 infection sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 178,351 ang aktibong kaso.

May 946 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 647,683 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa Covid-19.

Muli ring nakapagtala ang DOH ng pagtaas ng bilang ng bagong nasawi na nasa 401.

Pero paglilinaw ng DOH ang 213 rito ay dating naisama sa listahan ng mga nakarekober mula sa virus.

Matapos ang pinal na beripikasyon ay natukoy na nasawi na pala ang mga ito.

Sa ngayon, umakyat na sa 14,520 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: