DOH, nakapagtala ng mahigit 12,000 na bagong kaso ng COVID -19

Nakapagtala ng 12,159 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,666,562 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 90,927 ang aktibong kaso.

May 27,727 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,536,011 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19 dito sa bansa.

May 119 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 39,624 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Please follow and like us: