DOH, nakapagtala ng mahigit 19,000 na bagong COVID-19 cases sa bansa

Nakapagtala ng 19,262 bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng Department of Health, mula August 22 hanggang 28, ang daily average cases sa bansa umabot sa 2,752.

Mas mababa ito ng 19 percent kaysa naitala noong August 15 hanggang 21.

Nakapagtala naman ng 316 bagong bilang ng nasawi ang DOH.

Pero sa bilang na ito, 113 lang ang nasawi ngayong Agosto at ang iba ay sa ibang buwan ngayong 2022 at noong 2021 na.

May 110 namang naitalang bagong kaso ng kritikal at severe.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: