DOH, patuloy ang ginagawang paghahanda sa tinatawag na The Big One

Nagpapatuloy ang paghahanda ng Department of Health kaugnay ng tinatawag na “big one”.

Ayon kay DOH Sec. Paulyn Ubial , ito’y dahil sa sunod sunod na pagyanig na nararanasan sa ibat’ ibang panig ng bansa.

Sinabi pa ni Ubial na  may mga contingency planning na silang ginagawa kaugnay ng nabanggit na malaking kalamidad.

Dagdag pa ni Ubial nagpaplano rin sila na magtayo ng operation center sa labas ng Metro Manila at naglagay na sila ng mga gamot at iba pang supplies para matulungan ang mga injured.

Paliwanag pa ni Ubial patuloy din ang pakikipag coordinate ng DOH sa kanilang international partners para makatulong sa bansa sa loob ng bente kuwatro oras sakaling dumating ang malakas na pagyanig.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *