DOH Sec. Duque umapila sa publiko na huwag silang batikusin vs COVID-19 vaccine

Umapila si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na huwag namang ulanin ng batikos ang mga opisyal ng gobyerno na mauunang mabakunahan kontra COVID-19.

Ang apila ay ginawa ni Duque kasunod ng pahayag na handa rin itong maunang magpabakuna anumang brand ng COVID-19 vaccine ang maunang dumating sa bansa.

Paliwanag ni Duque, layon lang na na maipakita sa publiko na ang bakuna ay ligtas, de kalidad at epektibo.

Kaugnay nito, idinepensa ni Duque ang Pangulong Duterte matapos ianunsyo ng Malakanyang na hindi ipapakita sa publiko ang pagpapabakuna ng Pangulo.

Inihalimbawa nito ang monarkiya ng England na hindi ipinakita sa publiko ang pagpapabakuna nito.

Apila ng kalihim irespeto ang desisyon ng Pangulo.

Madz Moratillo

Please follow and like us: