DOH, target masakop ng bakuna kontra polio ang buong Mindanao sa second round ng sabayang Patak kontra Polio

Target ng Department of Health (DOH) na masakop ng kanilang susunod na round ng Bakuna kontra Polio ang buong rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang ikalawang round ng sabayang Patak kontra Polio ay nakatakda sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 8.

Binigyag-diin ng kalihim na kayang labanan ang polio kung makikiisa ang publiko at muling magtitiwala sa bakuna dahil ito lang ang paraan para mapigilan ang polio.

Muli ring nagpaalala si Duque sa kahalagahan ng regular na paghugas ng kamay.

Una ng kinumpirma ni Duque na may pang apat ng kaso ng polio sa bansa na mula na naman sa Mindanao.

Nakumpirma ito matapos ang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine at National Institute of Infectious Diseases Japan.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *