DOJ bubuo ng special panel of prosecutors na hahawak sa Degamo case

Magkakaroon ang DOJ ng special panel of prosecutors na hahawak sa mga kaso kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, ito ay alinsunod sa hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Courtesy: Radyo Agila

Nais aniya ng pangulo na bihasa o skilled ang mga piskal na maitatalaga para mag-evaluate sa lahat ng mga ebidensya at testimonya ukol sa Degamo killing at hindi magkamali sa proseso.

Sa pamamagitan ng pagsuri ng special panel sa mga salaysay ng mga testigo at suspek, umaasa ang kalihim na matutukoy pa ang iba pang persons of interest sa krimen.

Una nang kinatigan ng Korte Suprema ang hiling ng DOJ na ilipat ang paglilitis sa lahat ng mga kaso na may kinalaman sa Degamo sa korte sa Maynila mula sa Negros Oriental.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *