DOJ inatasan ang Prosecutor General na maghain ng petisyon para sa Hold Departure order laban kay Guia Gomez Castro

Ipinapakunsidera ng DOJ sa National Prosecution Service ang paghahain ng petisyon sa mga Korte para mag-isyu ng Hold Departure Order laban sa sinasabing Drug Queen na si Guia Gomez Castro.

Sa Immigration Lookout Bulletin order laban kay Castro na inisyu ni Justice Secretary Menardo Guevarra, kung nararapat ay maghain ang Prosecutor General ng petisyon sa mga hukuman para magpalabas ng HDO o kaya ay precautionary HDO laban kay Castro.

Una nang kinumpirma ng PNP na may mga kinakaharap na kaso ay may arrest warrant ang mga Korte laban kay Castro kaugnay sa iligal na droga at estafa.


Inatasan din ni Guevarra ang Prosecutor General na bigyan siya at ang Bureau of Immigration ng regular updates ukol sa kaso ni Castro.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *