DOJ inilagay sa lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang limang kawani

Nagsagawa ng disinfection at sanitation sa mga gusali at opisina ng DOJ sa Maynila matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang kawani.

Dahil dito, isinailalim sa lockdown ang DOJ para bigyang-daan ang paglilinis.

Pero, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magtatapos na ngayong Martes ang lockdown.

Ito ay dahil nakumpleto na ang disinfection sa buong DOJ compound.

Kaugnay nito, balik-opisina na muli sa Miyerkules ang mga empleyado ng DOJ.

Ayon sa kalihim, may limang tauhan ng DOJ ang nagpositibo sa COVID.

Moira Encina

Please follow and like us: