DOJ iniutos ang pagbawi sa illegal drug case laban kay Lt. Col. Marcelino

Iniutos ng DOJ na bawiin o iurong  ang isinampang illegal drug case laban kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa Manila Regional Trial Court.

Ito ay matapos paboran ng DOJ ang petition for review na inihain ng kampo ni Marcelino at  baligtarin ang ikalawang resolusyon ng DOJ panel sa kaso noong Setyembre ng 2016 na nagdidiin kay Marcelino at sa Chinese interpreter nito na si Yan Yi Shou.

Sa labing-apat na pahinang resolusyon ng DOJ na pirmado ni Justice Undersecretary Deo Marco, kinatigan nito ang unang resolusyon ng DOJ panel noong May 2016 na nagaabswelto kina Marcelino at Yan sa kasong manufacturing, possession  at conspiracy to manufacture dangerous drugs dahil sa kawalan ng ebidensiya.

Paliwanag pa ng DOJ napatunayan nina Marcelino na sila ay gumaganap ng kanilang tungkulin nang sila ay madatnan sa shabu lab ng PNP at PDEA.

Nag-ugat ang kaso kay Marcelino sa ikinasang raid  ng PNP-Anti Illegal Drugs Group at PDEA sa Celadon Residences sa  Sta Cruz, Maynila noong January 21, 2016 kung saan nadatnan sina Marcelino at Yan Yi Shuo.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *