DOJ kakatawanin ang gobyerno sa Duterte habeas corpus petitions

0
DOJ kakatawanin ang gobyerno sa Duterte habeas corpus petitions

Ang Department of Justice (DOJ) na ang magdidepensa sa mga opisyal ng pamahalaan, na respondents sa habeas corpus petitions na inihain ng mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla matapos na tumanggi ang Office of the Solicitor General (OSG), na katawanin ang pamahalaan sa mga petisyon dahil sa posisyon nito sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, ang DOJ ang inatasan ng Malacañang para sagutin ang mga petisyon.

Justice Secretary Crispin Remulla

Noong Lunes aniya ay naisumite na ng DOJ sa Supreme Court ang sagot nito sa habeas corpus petitions.

Sinabi ni Remulla,We were given the authorization by the Executive Secretary na kami na sumagot. Okay na nabigay na namin ang comment kahapon.”

Sa mahigit 30-pahinang compliance ng DOJ, hiniling nito sa SC na ibasura ang mga petisyon dahil sa pagiging moot o wala nang saysay at kawalan ng merito.

Nasa kustodiya na anila ng ICC ang dating pangulo at walang iligal na pag-aresto o pagditini na ang nangyari.

Katuwiran pa ng DOJ, ginampanan lang ng gobyerno ang obligasyon nito sa Interpol kung saan miyembro ang Pilipinas, at ito ay nasa diskresyon ng Pangulo ng bansa.

Kinumpirma naman ni Supreme Court Spokesperson Atty.Camille Ting, na natanggap ng SC ang consolidated compliance na inihain ng DOJ.

Kaugnay nito ay inatasan ng Korte Suprema ang magkakapatid na Duterte, na magsumite ng komento sa sagot ng DOJ sa loob ng limang araw.

Supreme Court Spokesperson Atty.Camille Ting

Ayon kay Ting, “The SC received the Consolidated Compliance with its March 13, 2025 Resolution, filed by Department of Justice Officer-in-Charge Undersecretary Nicholas Felix L. Ty, who was authorized to represent the respondents in this case considering the recusal of the Office of the Solicitor General. The SC directed petitioners Sebastian Z. Duterte, Veronica A. Duterte, and Paolo Z. Duterte to personally file a traverse in response to the Consolidated Compliance within a non-extendible period of five days from receipt of notice.”

Samantala, naniniwala si Remulla na “done deal” na ang pag-aresto at hindi na mapababalik si dating Pangulong Duterte dahil nagsimula na ang mga pagdinig ng ICC, at sinabi mismo ni FPRRD na haharapin nito ang kaso sa The Hague, Netherlands.

Aniya, “Wala na yun. Tapos na yun. It’s a done deal already. It’s there. May hearings na dun. Continuing na hearing. I think that’s judicial notice that the hearings are ongoing already in The Hague, and there’s a setting on September 23, so we rely on that.”

Dagdag pa niya, “I think he has repeated to all of us lahat tayong Pilipino, narinig natin sinabi sa atin ni dating pangulong Duterte na haharapin niya ang kahit na anong paratang sa kaniya sa ICC.”

Wala namang komento si Remulla sa pagtanggi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ipagtanggol ang pamahalaan sa mga petisyon laban sa ICC arrest, It’s personal to him. I have no comment on that.”

Sa isang pahayag, sinabi ni Guevarra na ipinauubaya niya kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang desisyon kung siya ba ay dapat alisin kasunod ng ilang panawagan na bumaba ito sa posisyon.

Ayon kay Guevarra, “That’s the president’s exclusive call.”

Moira Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *