DOJ kinumpirma na namatay ang nakakulong na dating aide ni Sen. Bong Revilla

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na namatay ang dating staff member ni Sen. Bong Revilla na nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Guevarra, batay kay Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag, na -stroke si Atty. Richard Cambe.

Isinugod si Cambe sa Ospital ng Muntinlupa kung saan pumanaw ito bandang ala-6 ng gabi ng Huwebes.

Si Cambe ay hinatulang guilty sa kasong plunder ng Sandiganbayan noong 2018 kaugnay sa anomalya sa paggamit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Revilla na nagkakahalaga ng mahigit Php224.5 million.

Kasamang na-convict ni Cambe ang negosyanteng si Janet Lim Napoles na may-ari ng mga NGOs na ginamit sa pork barrel scam.

Moira Encina

Please follow and like us: