DOJ, mayroon nang bagong Undersecretary


Nagtalaga na ang Malacañang ng bagong Undersecretary ng Department of Justice (DOJ) kapalit ng nagbitiw na si Markk Perete.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ito ay si Atty. Jon Paulo Salvahan.

Si Salvahan ay junior partner sa Medialdea, Bello & Suarez law office mula 2011 bago mahirang bilang DOJ Undersecretary.

Naging legal consultant din si Salvahan sa Taguig City Legal Office.

Nagtapos ang bagong opisyal ng abogasya sa Ateneo Law School at ng kursong Political Science sa UP Manila.

Isa si Salvahan sa 25 bagong naitalaga sa DOJ na kinabibilangan ng mga piskal.

Moira Encina

Please follow and like us: