DOJ, naka half- mast dahil sa pagpanaw ni dating Congressman at Justice Sec. Datumanong

Inilagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa tanggapan ng DOJ sa Maynila bilang pakiki-dalamhati sa pagpanaw ni Dating Maguindanao Representative at Justice Secretary Simeon Datumanong.

Nagsilbi rin si Datumanong na Kalihim ng DOJ sa loob ng isang taon simula Enero 16, 2003 hanggang  December 22, 2003.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nakikisimpatya ang DOJ sa pamilya ni Datumanong.

Inilarawan niya ang dating Justice Secretary bilang isang legal luminary na nagsilbi sa parehong ehekutibo at lehislatura

Una nang inihayag  ni CHR Commissioner Leah Armamento  na dating Undersecretary ng DOJ, Dadalhin ang mga labi ni Datumanong sa Maguindanao para doon iburol.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: