DOJ, pinaiimbestigahan ang Casino Investment scam na Wahana Credit and Loan Corporation

Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation o NBI na imbestigahan ang Casino investment scam na Wahana Credit and Loan corporation at mga opisyal nito.

Sa Department order 133 na pirmado ni Aguirre, ipinag-utos sa NBI na magsagawa ng case build-up sa nasabing multi-milyong pisong investment scam na may nabiktimang mga pulis.

Pinasasampahan din ng kaukulang kaso ng DOJ sa NBI ang kumpanya at mga Direktor at Corporate officers ng Wahana kung magkakaroon ng sapat na ebidensya.

Ang Wahana ay nagpapautang sa mga Casino players.

12 porsyento kada linggo na interes ang ipinapangako ng wahana sa mga investors nito at 48 percent kada buwan sa pamamagitan ng lending business nito.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *