DOJ tiniyak na agad reresolbahin ang mga reklamo laban sa opisyal ng NBI na sinasabing nangikil sa mga dawit sa Pastillas scheme

Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na reresolbahin sa lalong madaling panahon ng inquest prosecutor na may hawak sa kaso ang mga reklamo laban sa opisyal ng NBI at kapatid nito na sinasabing nangikil sa mga sangkot sa Pastillas scheme.

Sinabi pa ng kalihim na ang pagkaka-aresto kina NBI Legal Assistance Section Chief Atty. Joshua Paul Capiral at kapatid nito na si Immigration officer Christopher John Capiral ay mahigpit na babala laban sa mga tiwaling opisyal na dapat ay humahabol sa mga kriminal.

Nangangahulugan lang anya din ito na hindi hahayaan ang mga kurapsyon at iba pang kriminal na aktibidad sa mga ahensya na dapat sana ay haligi sa pagpapatupad ng criminal justice.

Una nang sinampahan ng NBI ng mga reklamong robbery (extortion), kurapsyon, at iba pa ang Capiral brothers dahil sa sinasabing pangingikil sa mga tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa Pastillas scheme kapalit ng pag-abswelto sa mga ito sa kaso.

Moira Encina

Please follow and like us: