Doktora na naglalabor, nakapagpaanak din ng kanyang pasyente

Isang doktora sa Amerika ang nagawang magpaanak ng kanyang pasyente habang siya ay nagla-labor din.

Ayon kay Dr. Amanda Hess habang hinihintay niya na siya ay makapagsilang, narinig nyang manganganak din ang dati niyang naging pasyente na si Leah Halliday-Johnson.

Dahil nasa kumplikadong sitwasyon si Leah ay hindi naiwasan ni Amanda na pairalin ang kanyang pagiging doktor .

Matapos paanakin ng doktora si Leah ay maayos din niyang isinilang ang kanyang healthy baby girl na pinangalanang Ellen Joyce.

Ulat ni: Violy Escartin

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *