DOLE: Mga magulang na sasamahan ang kanilang mga anak na magpapabakuna, ‘excused’ sa trabaho

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer na i-excuse sa trabaho ang mga empleyado na sasamahan ang kanilang mga anak para magpabakuna sa 2 araw na bayanihan bakunahan.

Sa advisory ng DOLE na pirmado ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nakasaad na hinihikayat nila ang mga employer na huwag ikunsiderang absent ang mga empleyado na sasamahan ang kanilang mga anak para magpabakuna ngayong araw o bukas.

Basta may katibayan ang mga ito na sinamahan talaga nila ang kanilang mga anak para magpabakuna.

Pwede rin naman umanong gamitin ang leave credits ng isang empleyado para rito.

Please follow and like us: