DOLE , pinaalalahanan ang mga employer na sumunod sa patakaran ng pamahalaan hinggil sa COVID-19

Mahigpit ang bilin ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa mga employer na siguruhing naaayon sa mga patakaran ng gobyerno patungkol sa COVID- 19 response ang kanilang ipinatutupad.

Sa isang Labor Advisory, nagpaalala si Laguesma sa mga employer na siguruhing nairereport ang lahat ng kaso ng COVID- 19 sa lugar ng paggawa.

Kasama na rito ang kanilang close contact at detalye ng imbestigasyon sa pinagmulan ng transmisyon.

Pinasisiguro rin ng DOLE sa mga employer ang maayos na bentilasyon sa mga work place at ang pagsunod sa minimum public health standards.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: