DOLE Secretary Silvestre Bello III, naghain ng aplikasyon para sa posisyon ng Ombudsman

 

Nagsumite na rin ng aplikasyon para sa posisyon ng Ombudsman si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ngayong araw ang deadline na itinakda ng Judicial and Bar Council  o JBC para sa paghahain ng aplikasyon at nominasyon para sa pwesto na babakantehin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo.

Inaasahang makukumpleto ni Bello ang pagsusumite ng lahat ng mga hinihinging dokumento ngayong Martes.

Si Bello ay nagsilbing mambabatas at Justice secretary.

Bukod kay Bello, ang isa pang kaalyado ni Pangulong Duterte na nagaasam sa Ombudsman post ay ang beteranong abogadong si Edna Batacan.

Naghahangad din sa posisyon si Special Prosecutor Edilberto Sandoval na dating Presiding Justice ng Sandiganbayan.

Ilan pa sa aplikante ay ang schoolmate ng Pangulo sa San Beda College na si Atty Rex Rico at iba pang mga hukom sa mga mababang korte.

Hindi pa naman tinatanggap ni Supreme Court Associate Justice Teresita de Castro ang nominasyon sa kanya ni retired SC Justice Arturo Brion para maging Ombudsman.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *