Dolomite Beach sa Maynila, mahigpit na binabantayan

Mahigpit ngayong binabatanyan ng mga kagawad ng Manila Police District (MPD), ang Dolomite Beach makaraang dagsain ng libu-libong bisita noong nakaraang linggo.

Kaugnay nito ay inatasan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar si MPD chief Brig. Gen. Leo Francisco, na bantayan ang lugar at laging paalalahanan ang mga nagtutungo doon na sumunod sa umiiral na health protocol.

Ayon kay Eleazar, pinadagdagan din niya ang mga pulis na magbabantay sa paligid ng Manila Bay, para sa kaayusan at kapayapaan sa lugar na nagiging pangunahing pasyalan na ng publiko.

Aniya, nauunawaan niya ang pakiramdam nang matagal na nakulong sa loob ng bahay, ngunit kailangan pa rin aniyang mag-ingat.

Inatasan din ng hepe ng PNP ang MPD, na makipag-ugnayan sa Manila City Hall para sa maayos na sistema, laluna sa pagdadala ng mga bata na kaniyang nakita sa video at mga larawang kumalat sa social media.

Please follow and like us: