DOST, mas pinaigting ang mga programa laban sa Covid-19 Pandemic

Lalung pinaiigting ng Department of Science and Technology (DOST) ang kanilang hakbangin upang patuloy na labanan ang nararanasang Global Health and Economic crisis.

Sinabi ni Secretary Fortunato Dela Peña na sa taong ito, maraming programa at proyekto ang kanilang inihanay upang maging katuwang ng pamahalaan sa paglaban sa Pandemya.

Ito ay sa ilalim ng Rebuild Philippines, Revitalizing Businesses, Investments Livelihood and Domestic demands.

Target aniya ng Economic Recovery program ang pagpapabuti sa buhay at ikinabubuhay ng publiko sa gitna ng Pandemyang nararanasan at pagpapalakas sa mga komunidad at pagkakaloob ng mga Research Grants.

Kasama din sa paiigtingin ng DOST ang pagkakaloob ng financial assistance para sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers at mga serbisyo sa pamamagitan ng Innovation Hubs Technology centers at mga Regional Laboratories sa mga tanggapan ng DOST sa mga lalawigan.

Belle Surara

Please follow and like us: