DOTr, inaprubahan ang 6 months operations ng Angkas

Inaprubahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pilot operations ng motorcycle taxi na angkas.

Ayon kay DOTr secretary Arthur Tugade, magsisimula ang operasyon nito simula sa Hunyo na tatagal lamang ng anim na buwan.

Sa inaprubahang patakaran ng DOTr, 50 pesos ang magiging base fare sa unang dalawang kilometro sa Metro Manila at karagdagang 10 hanggang 15 pesos sa karagdagang kilometro.

Sa Metro Cebu, 20 pesos naman ang pamasahe sa unang kilometro at karagdagang 16 pesos sa succeeding kilometers.

Tinatayang aabot sa 27,000 mga riders ang lalahok sa implementasyon nito.

Pinayuhan naman ni Tugade ang mga riders at mga pasahero na magsuot ng safety gear at vest based strap at sumunod sa 60 kilometers speed limit.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *