DPWH, sinimulan na ang dredging operation sa ilang ilog sa Eastern Visayas

Kasunod ng mga nangyaring matinding pagbaha sa Visayas, sinimulan na ang Department of Public Works and Highways ang dredging operation sa mga ilog sa works sa Samar at Leyte.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, kabilang sa mga hinuhukay ay sa Sta. Sofia Canal sa Padre Burgos sa Hilongos, Leyte; Mangonbangon River sa Tacloban City, Leyte; Bangon River sa Palo, Leyte; at Canturing River sa Maasin City, Southern Leyte.

Sa ulat ng DPWH Region 8 na-desilt na nila ang bahagi ng Burayan River sa Tacloban City.

Layon umano ng mga hakbang na ito ng DPWH na maiwasan na ang mga pagbaha sa Kabisayaan .

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *