Dr. Jose Fabella Memorial hospital, hindi muna tatanggap ng mga bagong pasyente

Hindi na muna tatanggap ng mga bagong pasyente ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital na nasa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Dra. Diana Rose Cajipe, PIO chief ng ospital, ito ay dahil sa mga kaso ng Covid-19 sa hanay ng kanilang Health care workers.

Pero asymptomatic naman aniya ang mga ito.

Kabilang naman sa wala munang operasyon ay ang OB at Pediatrics Department.

Maging mga laboratoryo at x-ray ay pansamantalang tigil rin muna.

Inaasahan naman na magkakaroon ng Covid- 19 mass testing sa mga Medical frontliners ng Fabella Hospital.

Magsasagawa rin aniya ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga positibo sa virus.

Ang pagtigil sa pagtanggap ng bagong pasyente ay para na rin aniya sa kaligtasan ng mga pasyente at kanilang mga tauhan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: