Drive thru vaccination site ng Makati binuksan na

Binuksan na ang #BakunaMakati – OTG o vaccination on the go para sa Makatizens na bedridden at PWD.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Makati LGU at Ayala Mall Circuit.

Ayon kay Mayor Abigail Binay – Campos, naisip nila ang ganitong ideya dahil na rin sa kahilingan ng pamilya na may mga kasamang bedridden at PWD sa bahay.

Handa namang magpadala ang pamahalaang lungsod ng mga libreng service vehicle sa mga mangangailangan, upang masiguro na lahat ng bedridden at PWD na makatizen, ay makatanggap ng libreng bakuna kontra COVID-19.

Ulat ni Arces Escovidal

Please follow and like us: