Drug pusher, patay sa engkuwentro sa Bulacan

Patay ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos mauwi sa engkwentro ang buybust operation sa Meycauyan, Bulacan.
Kinilala ang lalaki na si alyas Dabog, nasa pagitan ng 30 hanggang 40-anyos at tinatayang may taas na 5’1 hanggang 5’5.
Ayon sa paunang ulat ng Meycauan police, ikinasa ang buybust operation ng mga tauhan ng Drug enforcement unit ng Meycauayan police sa bahay mismo ng suspek sa Barangay Bayugo.
Naramdaman ng suspek na isang police ang ka-transaksyon nito kaya’t agad nitong binunot ang kalibre 22 na baril at pinaputukan ang mga operatiba .
Napilitang gumanti ng putok ang mga otoridad dahilan para sa agaran nitong kamatayan.
Nakuha mula sa suspek ang kalibre 22 revolver na baril, limang sachet ng hinihinalang shabu at ang 500 pisong buybust money.
Ulat ni Janzhe Macahilas
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *